Salamat po mamay, aming nasabi
Sa iyong pag panaw aming nawari
Bawat sandali nang ikaw ay kasama
Turo sa amin, napakagandang pamana.
Sa aming pagkabata, kay mamay natatakot
Hawak ang kaluban, sa ere pinapaikot
Ngayon aking natanto at pilit inisip
lumapat ba sa pwet. ang kalubang gamit.
Nang magumpisang magkaisip, itinuro sa amin
Bilang pag-galang, magmano sa hapon
Nakaluhod, nakahalukipkip, uloy nakatungo,
Mano po mamay, mano po nanay, sabay abot ng kamay.
Sa aming pagkabata, buto namin binanat
Nagbilad ng palay, kalabaw ay kinumpay
Mabuti na lamang tinuruang kumayod
sarap palang kainin, pinaghirapang kanin.
Sa kanyang palayan, amin syang nakita
Isang butil ng palay kanyang pinulot pa
Kaya naman pala sa amiy nagagalit
Kung sa plato ay may mumong nawaglit.
Sa aming paglaki, pangaral mo ay dala
Igalang ang iyong kapwa
Mahalin ang ina, ganun din ang ama
Iyon ang bilin sa amin tuwina.
Sa kanyang pagtanda, kami ay kasama
Malabo man ang mata, kami naman ay kilala
Sa indak ng bata, halakhak mo ay musika
O anong saya, makita kang tumatawa
Nang ikaw ay pumanaw, kami ay nalungkot
Pamilya'y nagluksa sa iyong pagkawala
Kaya kamiy sumumpa, sa puntod mong dukha
Ang iyong pangaral, gawing adhika.
Ngayong ikaw ay wala na, kami ay malalaki na.
Aming pang naaalala nang ikaw ay buhay pa.
Bawat payo, aming nagagamit pa.
Pagiging apo mo, pinagmamalaki sa iba.
Muling naisip, pano ngayong wala na.
Mabuti na lamang si Nanay nandyan pa.
Alala-ala ni mamay, sa kanya'y buhay pa.
Kaya sa aming puso. lagi kang kasama.
-Senen D. Paez
I wrote this poem in honor of my grandparents Mamay Bitong and Nanay Lucing!
Thursday, September 24, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

5 comments:
grabe k kuya....ngawa mo un!TOUCHING. napahikbi mo ko dun!!!
c mamay nga un...nagagalit pag may mumo sa pinggan...ako tagaikot at tgatingin pag may mumo..
yah c mamay ung aayawan mo sa sobrang strictness nya, pero mamahalin mo ng sobra.Bakit nga ba? Iba sya eh... Iba cla ni nanay... Bro can u make another poem for nanay?
yah kakaiba c mamay. sya yung aayawan mo sa sobrang lupit magdisiplina pero mamahalin mo ng sobra. Bakit nga ba? iba sya eh...
Thanks for your comments... yeah, i should make another one nga for nanay. Thanks for reading.
Post a Comment